Usapang Videoke.
Matapos ang 293498593085 years, nasipagan ako ngayon na mag-rant. Haha. Well?
Back to the topic. Videoke.
Siguro naman lahat tayo dito eh alam ang videoke. Well, kung kakababa mo lang sa bundok, eto:
Videoke is a much-loved pastime in the Philippines and is a natural progression of karaoke. It incorporates both music and video. Like karaoke, the videoke singer reads the song lyrics from a screen. The lyrics are highlighted as they are sung and a cursor guides the singer. At the end of the song, the videoke machine gives the singer a score based on the singer’s ability to follow along with his song cues — timing and pace are essential to achieve the coveted high score of 100.
Oh ayan. Malinaw na?
Likas na mahilig kumanta ang mga Pinoy. Di mawawala etong videoke na to sa lahat ng okasyong Pilipino mapa birthday, binyag, kasal, pista o simpleng inuman dyan sa kalye. Nakagawian na nating mga Pilipino ang pag-vivideoke bilang pampalipas oras at entertainment. Kahit ilang sentimo pa ang renta sa videoke ay gagawa talaga ng paraan para makakanta lang buong magdamag. Nagmumukha tuloy na prosti itong videoke na ‘to. Mas lalong naging prosti ang kawawang videoke dahil pwede mo na syang ma solo sa mga kwarto sa amusement at arcades sa mga mall.
Tig-lilimang barya lang eh pwedeng ka nang mag ala Jessica Sanchez. Swak na swak to sa mga tambay at lasing sa kalye. Isama mo pa ang tagya at pulutan. Plus ang mga seksing babaeng sumasayawsayaw sa videoke screen.
Di rin mawawala sa pag-vivideoke eh yung pataasan ng score. Pero sa totoo lang, wala talaga akong tiwala dyan sa scoring machine ng mga videoke. haha. Well. Di naman sukatan dito kung may music lessons ka o nag flat ka o nag falsetto ka. Sigaw lang okay na. Perfect score ka pa. Kamusta naman bagong ligong microphone?
Alam ko naranasan nyo na ding manood ng mga nagvivideoke at ilan eto sa mga napansin ko:
BIRITERA - Eto tlga yung mga gifted na kapanipaniwalang makakakuha ng perfect score. Tama ang tono. May pa kulot-kulot with matching hand gestures pa. O, saan ka pa?
SIGAW LANG KUNG SIGAW - Tulad ng mga Biritera, nakakauha rin sila ng perfect score pero di mo alam kung paano. Sa palakasan ba ng baga o sa paunahan mapuno ang baso ng laway? Swerte nyo lang kung di umulan.
GO LANG NG GO - Eto yung mga singers na pinangungunahan ang lyrics. Lasing ka ba? (Di ba halata? haha) Kaya nga nilagyan ng parang nag hi-highlight yung lyrics para mataymingan mo. Nagmamadali lang?
WEH? YUNG TOTOO? - “Hindi ako marunong kumanta eh” Talaga lang ha! Eh ba’t mo na perfect score? Ano to Magic?
Sa panahon ngayon, teknolohiya na ang nagdala sa ating mga bahay ng sarili nating videoke. Di na yung barya kundi magic sing na. High tech na tayo!
Di mo maiaalis sa bawat Pinoy ang pagkahilig natin sa pag-vivideoke. Naging bahagi na ito ng ating kultura. Talaga namang magagaling kumanta ang mga Pinoy. Patunay na dyan sina Apl de Ap, Charice at ang pride nating si Jessica Sanchez. Dahil dito napatunayan nating pagdating sa kantahan, No.1 ang Pinoy.









